MANILA, Philippines - Idaraos ang bigaÂting InternaÂtional SkaÂting Union (ISU) World DeveÂlopment Trophy sa SM SkaÂting Rink sa SM MeÂÂgaÂmall sa Abril 21 hanggang 26.
Kabuuang 56 skaters mula sa 15 countries ang makikita sa aksyon.
Maglalaro sa World DeÂvelopment Trophy, inorganisa ng ISU sa paÂkikipagtulungan sa PhiÂlipÂpine Skating Union (PhSU), ang mga skaters mula sa Pilipinas, Argentina, Hong Kong, India, Indonesia, Malaysia, MonÂgolia, New Zealand, South KoÂrea DPR, Singapore, South Africa, Chinese-Taipei, Thailand, United Arab Emirates at Uzbekistan.
Anim na skaters ang kakatawan sa bansa sa nasabing torneo sa juniors, Novice A at NoÂvice B.
Ang mga ito ay sina SoÂfia Guidote, Audrey AlÂcaraz, Alyssa Comia, Elia Mendoza, Keith SteÂphanie Angeles at Dominique Katigbak.
Nauna nang pinamahalaan ng PhSU ang 2013 ISU Development TroÂphy noong Abril ng naÂkaraang taon sa SM Mall of Asia Ice Skating Rink kung saan 53 skaÂters buhat sa 11 bansa ang lumahok.