1st AVESCO memory tourney

MANILA, Philippines - Mapapalaban nang hus­to ang mga Pinoy kon­tra sa mga foreign me­mory athletes para sa kauna-unahang AVESCO Philippine International Me­­mory Championship.

Ang torneong ito na su­portado ng CGBP. org, W.I.N. International,  Ro­ta­ry Club of Pasig City, Ho­tel Sogo at Eurotel ay ga­ganapin sa Mayo 31 at Hunyo 1 sa Eurotel Cor­po­rate Center sa Quezon Ci­ty.

Lalahok ang mga top memory ath­letes ng India, Japan, In­donesia, Malaysia, Mongolia, South Korea, Hong Kong, China, Thailand, USA at Germa­ny.

Makakaharap nila ang mga miyembro ng AVESCO-Philippine Memory Team na nagkampeon sa Hong Kong Memory Championship at pumang-apat sa World Memory Championship sa London noong isang taon.

Ilan sa mga events na na­kalatag ay ang Names and Faces (5 minutes) at Binary Numbers (5 mi­nutes).

Show comments