Gabe Freeman dumating na sa bansa Pipiliting sagipin ang kampanya ng Ginebra
MANILA, Philippines - Dumating kahapon ng madaling-araw si two-time PBA Best Import Gabe Freeman para sagiÂpin ang bumubulusok na kampanya ng Barangay GiÂnebra.
Matapos ang ilang oras na pagtulog ay sumabak kaagad ang 6-foot-5 na si Freeman sa ensayo ng Gin Kings ng alas-8 hanggang alas-10:30 ng umaÂga sa Green MeaÂdows gym.
Kinahapunan ay nagÂtuÂngo naman si Freeman sa Bureau of Immigration (B) at sa Games and Amusement Board (GAB) para asikasuhin ang kanyang mga papeles.
Nakatakdang iparada ng Ginebra si Freemen konÂtra sa Rain or Shine sa Linggo para sa kanilang huling laro sa elimination round.
Nauna nang ikinunsiÂdera ng Gin Kings sina Andre Emmett, Charles Thomas at Dior Lowhorn, ang kanilang ginamit na reinforcement sa 2013 PBA GoÂvernor’s Cup.
Si Freeman ang magiÂging pangatlong import ng Gin Kings sa komperensya matapos sina Leon Rodgers at Josh Powell.
Biglaang bumalik sa United States ang 6’9 na si Powell, miyembro ng back-to-back champion team ng Los Angeles LaÂkers, matapos makatanggap ng tawag mula sa Houston Rockets para sa NBA Playoffs.
Ang 28-anyos na si FreeÂman ay naglaro para sa San Miguel Beer noong 2009 at 2010.
Kumampanya din siya para sa Philippine Patriots at sa San Miguel Beermen sa Asean Basketball League (ABL).
Nakita din si Freeman sa pitong laro para sa BaÂrako Bull noong 2012.
Nagposte si Freeman ng mga PBA career aveÂrages na 21.1 points, 16.2 rebounds, 1.5 assists at 1.2 steals sa 60 laro.
Ang laro ng Ginebra at Rain or Shine ang dedetermina sa kanilang mga puwesto sa quarterfinals.
Ang Talk ‘N Text ang kumuha sa No. 1 seat sa quarterfinals bitbit ang ‘twice-to-beat’ incentive.
- Latest