HOLLYWOOD – Kung si Manny Pacquiao ang paÂpipiliin ay mas gusto niya pa ring lumaban sa Las VeÂgas, Nevada.
Ito ay sa kabila ng naunang pahayag ni promoter Bob Arum ng Top Rank Promotions na nais niyang itakda ang susunod na laban ni Pacquiao sa Nobyembre sa Macau, China.
“I still like Vegas. I want to fight there,†sabi ni Pacquiao, umiskor ng unanimous decision win kay Timothy Bradley, Jr. sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada noong Linggo.
Unang lumaban si Pacquiao sa tinaguriang ‘Sin CiÂty’ noong 2001.
Bilang isang late replacement, pinabagsak niya si Lehlo Ledwaba sa sixth round para agawin sa South African ang IBF super bantamweight crown, ang kanyang ikalawang world title.
At mula noon ay nagbigay na si Pacquiao ng mga kapana-panabik na mga laban sa Las Vegas.
Hinirang si ‘Pacman’ bilang nag-iisang boksiÂngeÂrong naghari sa walong magkakaibang weight divisions.
Tatlong beses niyang sinagupa si Mexican Erik MoÂrales at apat na ulit naman niyang nakabangga si Juan Manuel Marquez sa Las Vegas.
Sa Las Vegas din tinalo ni Pacquiao si Marco Antonio Barrera at pati si Oscar dela Hoya.
Lumaban si Pacquiao ng 16 beses sa Las Vegas at 11 naman sa MGM.
“This is where I started. I like the crowd in Vegas,†sabi ni Pacquiao.
Matapos mapatulog ang Filipino icon ni Marquez sa sixth round noong Disyembre ng 2012 ay hindi luÂmaban si Pacquiao ng halos isang taon.
Sa kanyang pagbabalik sa eksena ay hinarap niya sa Macau si Brandon Rios para sa kanilang non-title fight.
Dinomina ni Pacquiao si Rios sa kabuuan ng kaÂnilang 12-round bout. (Abac Cordero)