^

PM Sports

Para sa expansion team na Kia Motors Pacquiao gustong maglaro sa PBA

Pang-masa

HOLLYWOOD – Kung mabibigyan ng pag­kakataon ay gusto ni bo­xing superstar Manny Pac­quiao na makapaglaro sa PBA.

“Maglalaro ako sa PBA,” deklarasyon ni Pac­quiao.

Kung sakali ay ang 35-anyos na si Pacquiao ang magiging pinakama­tandang rookie na magla­laro sa PBA, ang unang pro­fessional basketball league sa Asya.

At sa taas na 5’6 ½ ay maaaring siya rin ang ma­ging pinakamaliit na pla­yer sa professional league.

Ayon kay Pacquiao, balak niyang maglaro sa isa sa tatlong expansion teams – Ever Bilena, NLEX at Kia - na ina­­prubahan ng PBA simula sa susunod na season.

Ang Kia ay nasa ilalim ng Columbian Motors, at sinasabing may mga kai­bigan si Pacquiao sa na­turang kompanya na ma­aaring tumugon sa ka­hilingan ng Sarangani Con­gressman.

Si Pacquiao ay isang bas­ketball addict.

Maaari siyang maglaro ng basketball araw-araw.

Sa katunayan sa kanyang training camp para sa rematch niya kay Ti­mothy Bradley, Jr. ay nag­lalaro si Pacquiao ng bas­ketball kada linggo bilang bahagi ng kanyang cross-training.

“Maganda ang basketball. Magandang exercise. Lalo na sa footwork,” wi­ka nito.

Sa kanyang mansyon sa General Santos City ay nagtayo si Pacquiao ng isang basketball court.

“Araw-araw basketball,” wika ng boxer, bumuo ng sarili niyang bas­ket­ball team para sa mga local competitions na ki­na­bibilangan ng ilang re­ti­radong PBA players.

Si Roy Jones, ang da­ting world champion, ay minsan nang naglaro para sa isang professional team at ibinahagi ang kanyang interes sa Filipino fighter sa paglalaro ng professio­nal basketball.

Ilang beses nang dina­law si Pacquiao ng ilang sikat na NBA pla­yers sa kanyang locker room ma­tapos ang laban.

Ilan sa mga hinaha­nga­an ni Pacquiao ay sina Allan Caidic, Samboy Lim, Nel­son Asaytono at Bal David.

Kung mangyayari ang kanyang balak ay inaasahang tatayong point guard ng Kia si Pacquiao, gagamit ng No. 17 jersey.

“It’s my birthday,” sabi ni Pacquiao. (ACordero)

ALLAN CAIDIC

ANG KIA

BAL DAVID

COLUMBIAN MOTORS

EVER BILENA

GENERAL SANTOS CITY

KIA

PACQUIAO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with