MANILA, Philippines - Pinalad ang isang dehadista na naisama sa kanyang tinayaan ang kabayong Money Song na siyang lumabas bilang pinakadehadong kabayo noong Sabado sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.
Si GA Rivera ang siyang sumakay sa kabayo na kumarera sa class division 1 sa 1,400-meÂtro distansya at ang ‘di inaasahang panalo ay nagresulta upang may isa pang milyonaryo na lumabas sa Winner-Take-All.
Naghatid ng P1,392.00 ang win ng Money Song na hindi tumimbang sa huling mga takbo.
Pero sa pangalaÂwang pagsakay ni Rivera, napalabas niya ang tikas ng kabayo para daiÂgin ang Firm, Grip na hawak ni CM Pilapil.
Nagpamahagi ang 1-9 forecast ng magarang P12,582.00.
Ang pagkakasama ng dehadong Money Song ay nakatulong para sa masuwerteng mananaya na nabitbit ang P2,005,774.60 dibidendo sa unang WTA na binuo ng kumbinasyong 4-6-1-4-13-8-4.
Tinapos ang ‘di inasahang kumbinasyon sa pagkakapanalo ng Don Albertini sa Tensile Strength.
Si Jonathan Hernandez ang sumakay sa Don Albertini at nakatikim uli ang nasabing kabayo ng panalo na huling nangyari noon pang Pebrero 14.
Ang win ay may P28.50 dibidendo habang ang dehado pang 4-8 sa forecast ay may noong P218.00 na ibinigay.
Kuminang din ang takbo ng Up And Away sa race 11 para ipakita na puwede itong maging palaban kung itatakbo sa unang yugto ng 2014 Philracom Triple Crown Championship sa susunod na buwan.
Pumangalawa ang Bukod Tangi para mapasaya pa ang mga dehadista sa P108.50 na ibinigay sa 12-10 forecast kasunod ng P8.50 sa win.