^

PM Sports

FEU volleybelles nalo sa Perpetual spikers

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nagtrabaho ang FEU Lady Tamaraws sa huling tatlong sets para maisantabi ang pagkatalo sa first set at kunin ang  23-25, 25-18, 25-18, 25-21 panalo sa Perpetual Help Lady Altas sa Shakey’s V-League Season 11 First Conference sa The Arena sa San Juan City kagabi.

Gumawa si Bernadette Pons ng 14 puntos mula sa 12 kills at tig-dalawang blocks at service aces para pamunuan ang Lady Tamaraws sa pagbangon matapos ang straight sets na pagkatalo sa kamay ng nagdedepensang National University sa huling laro.

Nasa ikatlong puwesto sa kasalukuyan ang FEU sa 2-2 baraha sa Group B pero puwede silang sumalo sa ikalawang puwesto kung matalo ang UST Lady Tigreses sa San Sebastian Lady Stags na siyang tampok na laro kagabi sa ligang inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s.

Ikatlong sunod na pagkatalo ang nalasap ng Lady Altas upang malagay sa must-win sa kanilang huling dalawang laro kontra sa Davao Agilas at UST Lady Tigresses at magkaroon pa ng tsansang maalpasan ang elimination round sa ligang may ayuda pa ng Accel, Mikasa at Lion Tiger Mosquito Coil.

Ito lamang ang larong matutunghayan sa liga dahil magbabakasyon ang aksyon upang bigyan-daan ang paggunita ng Semana Santa.

Sa Linggo (Abril 20) babalik ang mga laro at katatampukan ito ng pagtutuos ng FEU at Davao at St. Benilde Lady Blazers at Ateneo Lady Eagles.

 

ATENEO LADY EAGLES

BERNADETTE PONS

DAVAO AGILAS

FIRST CONFERENCE

GROUP B

LADY

LADY ALTAS

LADY TAMARAWS

LADY TIGRESES

LADY TIGRESSES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with