MANILA, Philippines - Naipakita ng kabayoÂng Move On ang bangis nang dominahin ang pinagÂlabanang 3YO Special Handicap Race noong Huwebes ng gabi sa Metro Turf sa Malvar, Batangas.
Sinakyan ang kabayo ni Mark Alvarez at nakipagtagisan sa siyam na iba pang kalahok sa 1,000-metro distansyang karera at naipalabas ng hinete ang itinatagong lakas sa rematehan ng Move On upang manalo kahit naunang nalagay sa ikatlong puwesto.
Ang Red Dragon na sakay ni Pat Dilema ang nauna sa pagbubukas ng aparato at sa pagbungad ng rekta ay may isang dipang agwat na sa Angel Of Mercy at Move On.
Ginamitan pa ni Dilema ng latigo ang Red Dragon pero naubos na ito at pinanood na lamang na naglabanan ang Angel Of Mercy at Move On.
Nakabuti para sa Move On ang pagkakalagay sa labas para walang sagabal sa pag-arangkada sa meta.
May kahalating dipa ang layo ng nanalong kabayo sa Angel Of Mercy ni JPA Guce at ganito rin ang distansya ng kabayo sa Red Dragon na puÂmangatlo lamang.
Wala pang naipakikitang magandang takbo ang Move On kaya’t nagpamahagi ito ng P117.00 sa win habang ang 5-4 dehadong kombinasyon sa forecast ay naghatid ng P833.50 ganansya.
Nakapagpasikat din ang Just For Keeps at LaÂvish Love nang kuminang sa nilahukang mga karera.
Sa class division 1A lumaban ang Just For Keeps na humarurot sa huling 150-metro ng 1,000m karera para maagwatan ang naunang lumayo na Kimagure ni Jonathan Hernandez.
Namuro na ang Just For Keeps na manalo dahil pumangalawa ito sa ÂhuÂÂliÂng karerang nilahukan sa nasabing race track noong Marso 31.
Naghatid ang win ng P53.50 habang ang panalo sa mas naliyamadong Kimagure ay may P131.50 dibidendo sa 3-6 forecast.
Tantiyado naman ni jockey GA Rivera kung kailan pakakawalan ang Lavish Love upang makuha ang panalo sa class division 2 race.
Hindi nataranta si Rivera kahit lumayo na ng halos dalawang dipa ang Toe The Mark nang sa rekta lamang tumodo ang Lavish Love tungo sa kalahating dipang panalo sa katunggali na may pinakamagaang peso na 49 kilos.
Ang dehadong tambalan na 1-3 ay mayroong P455.50 dibidendo habang P67.50 ang ibinigay sa win.
Pinangatawanan ng kabayong Play With Fire at paniniwalang angat ito sa tinakbuhang class division 1 nang ang kabayong hawak ni FN Ortiz, may pinakamabigat na handicap weight na 5 kilos, ang nagdomina sa karera.
Ang Yes Beauty ang pumangalawa sa Play With Fire na nanalo sa ikalawang pagkakataon sa huling tatlong takbo at lumabas bilang pinakaliyamadong kabayo na nanalo sa ibinigay na P6.00 sa win. Ang 4-1 sa forecast ay mayroong P10.50 dibidendo. (AT)