MANILA, Philippines - Hinirang ng Jose Rizal University si champion coach Arturo Cristobal bilang basketball commissioner para sa kanilang paÂÂmamahala sa darating na 90th NCAA season.
Ito ang inihayag ng JoÂse Rizal matapos ipasa ng College St. Benilde ang hosting ng NCAA kaÂhapon sa St. Benilde Hotel yesterday.
“Arturo ‘Bai’ CristoÂbal has been appointed as the commissioner of Season 90,†wika ni Jose Rizal president Dr. Vince Fabella, pumalit kay Bro. Denis Magbanua, FSC, ng St. Benilde bilang league presidency at chairman ng Policy Board.
Si Cristobal ay isang daÂting PBA player na nagÂhatid ng dalawang koÂrona para sa San Sebastian Stags noong 2001 at 2002.
Magbubukas ang torneo sa Hunyo 28 at may temang ‘Today’s Heroes, Tomorrow’s Legends. NCAA Season @90: We Make History.’
Kaugnay sa format, sinabi ni Fabella na walang maÂbaÂbago sa kaÂbila ng kaÂÂÂgustuhan ng ilan na paiÂikliin ang iskedyul.