MINNEAPOLIS -- Pabulusok na ang career ni guard D.J. Augustin nang pakawalan siya ng Toronto RapÂtors noong Disyembre at tila mawawala na ang daÂting No. 9 overall pick sa NBA.
Apat na araw na ang nakakalipas nang kunin siya ng Chicago Bulls.
Kuminang si Augustin sa Chicago dahil sa hinÂdi pa rin paglalaro ni superstar guard Derrick Rose at ang pagkaka-trade kay Luol Deng.
Umiskor si Augustin ng 21 points para pangunahan ang Bulls sa 102-87 panalo kontra sa Minnesota TimÂberwolves.
Nagdagdag si center Joakim Noah ng 15 points, 13 rebounds at 10 assists para sa kanyang ikaapat na triple-double.
Nagtala si Kirk Hinrich ng 16 points mula sa kanyang 7-of-9 fieldgoal shooting at nagsalpak ang Bulls ng 11-of-21 clip sa 3-point range para makadikit sa Raptors sa pag-uunahan sa third seed sa Eastern ConÂfeÂrence.
Sa Milwaukee, umiskor si Chris Copeland ng season-high na 18 points at isinalpak ang isang driving layup sa huling 1.2 segundo para ibigay sa Pacers ang 104-102 panalo kontra sa Milwaukee Bucks at makalapit sa No. 1 spot sa Eastern Conference.