Cebuana kinuha ang ikalawang silya

MANILA, Philippines - Sinolo ng Cebuana Lhuillier Gems ang ika­la­wang puwesto nang talunin ang Big Chill Su­­perchargers, 65-60, ha­bang kinuha ng Caga­yan Valley Rising Suns ang ikalawang dikit na ta­gumpay sa 76-74 panalo kontra sa Derulo Accelero Oilers sa PBA D-League Foundation Cup kahapon sa Meralco gym sa Pasig City.

Isang 12-6 run ang gi­namit ng Gems para ta­pusin ang laro at matabunan ang 53-54 bentahe ng Superchargers.

Naibaon din nila sa li­mot ang masakit na 67-70 pagkatalo sa Cagayan Valley sa huling laro.

Nagtala ng 13 puntos si James Martinez.

Nakatulong sa Gems ang magandang inilaro ng bench na dinomina ang mga nakatapat, 43-32, at ipa­tikim sa Superchar­gers ang ikalawang sunod na kabiguan matapos buksan ang kampanya sa 2-0 baraha.

Nagpakatatag naman ang Ri­sing Suns sa endgame para saluhan ang Big Chill at mga pahi­ngang Boracay Rum Waves at Cafe France Ba­kers sa 2-2 karta.

Nakatulong ang mga free throws nina Lord Ca­sajeros at Jett Vidal para maisantabi ang magandang laban na naipa­kita ng Oilers, natalo ng ika­apat na sunod.

 

Show comments