Cebuana kinuha ang ikalawang silya
MANILA, Philippines - Sinolo ng Cebuana Lhuillier Gems ang ikaÂlaÂwang puwesto nang talunin ang Big Chill SuÂÂperchargers, 65-60, haÂbang kinuha ng CagaÂyan Valley Rising Suns ang ikalawang dikit na taÂgumpay sa 76-74 panalo kontra sa Derulo Accelero Oilers sa PBA D-League Foundation Cup kahapon sa Meralco gym sa Pasig City.
Isang 12-6 run ang giÂnamit ng Gems para taÂpusin ang laro at matabunan ang 53-54 bentahe ng Superchargers.
Naibaon din nila sa liÂmot ang masakit na 67-70 pagkatalo sa Cagayan Valley sa huling laro.
Nagtala ng 13 puntos si James Martinez.
Nakatulong sa Gems ang magandang inilaro ng bench na dinomina ang mga nakatapat, 43-32, at ipaÂtikim sa SupercharÂgers ang ikalawang sunod na kabiguan matapos buksan ang kampanya sa 2-0 baraha.
Nagpakatatag naman ang RiÂsing Suns sa endgame para saluhan ang Big Chill at mga pahiÂngang Boracay Rum Waves at Cafe France BaÂkers sa 2-2 karta.
Nakatulong ang mga free throws nina Lord CaÂsajeros at Jett Vidal para maisantabi ang magandang laban na naipaÂkita ng Oilers, natalo ng ikaÂapat na sunod.
- Latest