MANILA, Philippines - Maganda ang kondisÂyon na naipakita ng kabayong Prelude nang sorpresahin ang mas liyamadong Monte Napoleone at pamunuan ang mga dehadong kabayo na nagpasikat noong Martes ng gabi sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.
Ibinalik ang nasabing kabayo sa pagrerenda kay RC Tanagon mula sa LT Cuadra Jr. at nagbunga ang desisyon matapos makumpleto ang malaÂkas na panimula ng kabayo sa class divison 1B na pinaglabanan sa maigsing 1,000-metro.
Sinundan ng Prelude ang maagang pag-alagwa ng Biboy’s Girl sa pagbukas ng aparato habang ang paboritong Monte Napoleone ang kumuha sa ikatlong puwesto.
Sa pagpasok sa far turn ay nauna na ang Prelude habang nag-iinit na rin ang Monte Napoleone na diniskartehan pa rin ni JB Cordova.
Nasa balya ang nanalong kabayo at sa pagpasok ng rekta ay saka binitawan ni Tanagon ang sakay na kabayo upang maiwanan ng halos dalawang dipa ang Monte Napoleone.
Pinawi ng panalong ito ng Prelude ang ikawalong puwestong pagtatapos ng kabayo sa ilalim ni Cuadra at lumabas na ang kabayong nabanggit ang pinakadehado na nanalo sa walong karerang pinaglabanan.
Kumabig ang mga dehadista ng P51.00 sa win habang ang 2-11 forecast ay mayroong P211.50 dibidendo.
Ang tagumpay ng Prelude ang tumapos sa tatlong dikit na panalo ng mga di napaborang kabayo sa una sa dalaÂwang sunod na araw ng pangaÂngarera sa Philippine RaciÂng Club Inc. (PRCI).
Nanumbalik ang husay ng Hermosa Street nang mangibabaw sa race six na isang 3YO Special Race habang ang Honour Class ay nagwagi sa isang Handicap Race three.
Si JF Paroginog ang sumakay sa Hermosa Street at naipagkaloob ng hinete ang ikalawang panalo sa huling tatlong takbo matapos hiyain ang River Mist na sakay ni JB Hernandez.
Dating nirerendahan ni Hernandez ang Hermosa Street at naipanalo niya ito noong Marso 18 pero mas pinili niya ang River Mist na paborito sa karera matapos ang dalawang sunod na Segundo puwesÂtong pagtatapos sa pagdadala ni Rodeo Fernandez.
Naipakita ng Hermosa Street ang Âbangis matapos ang banderang-tapos na panalo sa 1,300-metro karera.
Sinamang-palad na naging mabagal ang panimula ng River Mist kaya’t kinapos ito sa kanyang pagremate at natalo ng kalahating kabayo.
May P33.00 ang halaga ng win habang P171.50 ang ibinigay sa 5-8 forecast.
Lakas sa rematehan ang ginamit ni jockey AP Asuncion sa HoÂnour Class upang maabutan ang kinapos na Salina sa 1,200-metro karera.
Umabot pa sa P32.50 ang panalo ng Honour Class habang P81.00 ang naipamahagi sa 3-1 forecast. (AT)