Big Chill hangad makabangon mula sa kabiguan

MANILA, Philippines - Ibalik sa focus ang kam­panya ang nais na ma­kamit ng Big Chill Super­chargers sa pagharap sa Cebuana Lhuillier Gems sa pagpapatuloy ngayon ng PBA D-League Foundation Cup sa Meralco Gym sa Ortigas Avenue, Pa­sig City.

Ang laro ang siyang una sa double-header sa ganap na alas-2 ng hapon bago sundan ng tagisan ng Cagayan Valley Rising Suns at Derulo Accelero Oilers sa alas-4 ng hapon.

Parehong lumasap ng unang kabiguan ang Super­chargers at Gems sa ka­nilang huling laro para malagay sa ikalawang pu­westo kasalo ang pahi­ngang Café France Ba­kers sa 2-1 baraha.

Hindi maganda ang nangyaring pagkatalo pa­ra sa tropa ni coach Ro­bert Si­son dahil bukod sa inilampaso sila ng nagde­depensang kampeon na Blackwater Sports, 75-93, nagbalak pa ang ko­po­nan na mag-walkout dahil sa pakiwari ay nade­dehado sa tawagan.

Dahil sa ‘unsports­man­like action’ na ito ay pinatawan ng D-League Commis­sioner’s Office ang Big Chill ng multang P150,000.00.

Pilit na iniaalis ni Sison ang pangyayaring iyon at sisikaping ibalik ang focus ng manlalaro la­lo pa’t single round ro­bin lamang ang kompetis­yon.

“Every win counts ka­ya kailangan namin ma­ging consistent tulad ng ginawa namin last confe­rence,” pahayag ni Sison na pumangalawa sa Aspirants’ Cup.

Hindi birong kalaban ang Gems na hangad din na bumangon mula sa 67-70 pagkatalo sa Cagayan Valley.

Ang mga ipinagmamalaking guards na sina James Martinez, Paul Za­mar at Marcy Arellano ang mga huhugutan ng puntos ng Gems, habang ang mga big men sa pa­ngu­nguna ni Rodney Bron­dial ang lakas na pi­pigain ng Big Chill.

(ATan)

Show comments