MIAMI -- Ang pinagtalunang block sa final buzÂzer. Ang pagwalis sa NBA champions sa season.
Ang Brooklyn lamang ang tanging NBA team ngaÂÂyong season na hindi tinalo ng Miami Heat.
Sinupalpal ni Mason Plumlee ang tangkang slam dunk ni LeBron James sa huling dalawang segundo at tinapos ng Nets ang isang four-game sweep sa Heat muÂla sa 88-87 tagumpay.
Nahaharap sa isang one-point deficit, ipinasa ni RaÂshard Lewis ang bola kay James sa ilalim ng basket.
Tangkang isasalpak ni James ang bola sa rim nang suÂpalpalin siya ni Plumlee.
Nakita sa replays na nabangga ni Joe Johnson si James sa kanyang pagkilos kasunod ang pagtama ni Plumlee sa kamay ng four-time MVP.
Ngunit hindi nakuha ng Miami ang tawag.
“My initial thought was to just foul and make him earn it at the free-throw line,†wika ni Plumlee.
Inireklamo ni James ang naturang foul dapat sa kanÂya ni Plumlee.
“He grabbed my right hand,†sabi naman ni James kay Plumlee. “He didn’t do it on purpose, but he got my right hand.â€
Umiskor si Johnson ng 19 points, habang may 16 si reserve Marcus Thornton at 14 si Paul Pierce para sa Nets.
Sa Sacramento, sa pag-upo ni Kevin Durant sa bench sa pagsisimula ng fourth quarter, nagtuwang ang kanyang mga kakampi para ibigay sa Oklahoma City Thunder ang 107-92 panalo sa Sacramento Kings.
Isinalpak ni Caron Butler ang lahat ng kanyang anim na 3-point attempts para tumapos na may 23 points at binuksan ng Thunder ang final canto mula sa isang 16-0 atake.
Umiskor si Durant ng 23 points at nagwakas ang kanyang pag-iskor ng higit sa 25 sa 41 sunod na laro.
Sina Oscar Robertson (46 sunod na laro noong 1963-64) at Wilt Chamberlain (lahat ng 80 regular-seaÂson games noong 1961-62 season) ang may piÂnakamahabang ratsada.
“I was getting so many texts after every game. I’m glad that’s over with and we can just focus on the team,’’ sabi ni Durant, tumipa ng 8-for-13 fieldgoal shooting sa loob ng 31 minuto.
Nagdagdag si Serge Ibaka ng 19 points at 4 rebounds para sa Thunder, ipinahinga si Russell Westbrook bilang paghahanda sa kanilang laro kontra sa Los Angeles Clippers.
Ang Oklahoma City (56-21) ay 1 1/2 laro ang lamang sa Clippers (55-23) para sa Western ConfeÂrence’s No. 2 playoff seed.
Sa Los Angeles, tumipa sina Terrence Jones at James Harden ng tig- 33 points para igiya ang Houston Rockets sa 145-130 paggupo sa Lakers.