Lady Chiefs hangad ang sweep sa Group A; pagpasok sa quarters asam ng Lady Bulldogs

MANILA, Philippines - Pipilitin ng Lady Chiefs na mawalis ang Group A, habang target na­man ng Lady Bulldogs ang ikalawang quarterfinals ticket.

Lalabanan ng Arella­no University ang Adamson University ngayong alas-2 ng hapon kasunod ang pagsagupa ng Natio­nal University sa Far Eas­tern University sa alas-4 sa Shakey’s V-League Sea­son 11 First Confe­rence sa The Arena sa San Juan City.

Nasikwat ng Lady Chiefs ang unang quarter­finals seat nang dominahin ang St. Louis Univer­sity sa loob ng tatlong sets noong Martes para sa ka­nilang 4-0 kartada.

Matapos namang ma­talo sa 2014 UAAP cham­pion Ateneo Lady Eagles sa pagsisimula ng li­gang itinataguyod ng Shakey’s noong Marso 23 ay dalawang sunod na pa­nalo ang inihataw ng Lady Falcons.

Nagposte ng mga pa­na­lo ang Adamson laban sa St. Louis at Southwestern University para pumuwesto sa ikala­wa sa Group A.

Sina Danna Henson, Christine Joy Rosario, Elaine Sagun, Menchie Tu­biera, Shirley Salamagos, Jovielyn Prado at ace setter Angelica Legacion ang kakamada para sa Arellano katapat sina Shiela Pineda, My­lene Paat, Jessica Galanza, Thai guest player Pat­charee Sangmuang at play­ma­ker May Jennifer Ma­catuno.

Inaasahan ring ma­kikita sa aksyon si Pau So­riano para sa laro ng Adamson.

Ang panalo ang mag-aakay sa Lady Falcons sa quarterfinals.

Kung matatalo sila ay mabubu­hay pa ang tsansa ng La­dy Cobras sa playoff sa quarterfinal seat sa Group A ng two-division tournament na suportado ng Mikasa, Accel at Lion Tiger Mosquito Coil.

Show comments