MANILA, Philippines - Alam ni head coach Tim Cone kung gaano kaÂhalaga ang bawat laro paÂra sa hangad nilang pagkopo sa ikalawa at huling ‘twice-to-beat’ incentive sa quarterfinal round.
Nag-init sa second half, tinalo ng San Mig CofÂfee ang Air21, 97-84, at patuloy na solohin ang ikatlong posisyon sa 2014 PBA Commissioner’s Cup kahapon sa Smart AraÂneta Coliseum.
“It gives us a chance to be in contention in the Top Two,†sabi ni Cone.
Binanderahan ni import James Mays ang MiÂxers mula sa kanyang 23 points kasunod ang 20 ni PJ Simon, 12 ni Marc Pingris at 11 ni Joe Devance.
Matapos isara ng San Mig Coffee ang first half bitbit ang 45-44 abante ay tumabla ang Air21 sa 53-53 mula sa layup ni Jonas Villanueva.
Kasunod nito ay ang 17-2 atake ng San Mig Coffee, naghari sa naÂkaraang PBA Philippine Cup, upang iposte ang 15-point lead, 70-55, sa 3:52 minuto ng third period.
Pinalaki ito ng MiÂxers sa 20 puntos, 88-68, gaÂling sa dalawang free throws ni import James Mays.
“We played with a lot more togetherness and connection in the third quarÂter,†wika ni Cone. “At halftime we had a better sense of urgency, something we lacked in the last few games.â€
Mula sa nasabing kaÂlamangan ay hindi na niÂlingon pa ng San Mig CofÂfee ang Air21, naÂbigong kunin ang kanilang ikalawang sunod na panalo.
Pinamunuan ni import Wesley Witherspoon ang Express sa kanyang 27 points kasunod ang 19 ni Sean Anthony, 11 ni JoÂseph Yeo at 10 ni Mac CarÂdona.
Kasalukuyang nagÂlaÂlaban ang Talk ‘N Text, siÂnikwat ang No. 1 seat sa quarterfinals, at ang Rain or Shine habang isinusulat ito. (Russell Cadayona)
SAN MIG COFFEE 97 - Mays 23, Simon 20, PinÂgris 12, Devance 11, Yap 9, Sangalang 8, Barroca 6, CaÂwaling 3, Melton 3, De Ocampo 2, Gaco 0, Mallari 0, Reavis 0.
Air21 84 - Witherspoon 27, Anthony 19, Yeo 11, CarÂdona 10, Villanueva 5, Borboran 4, Taulava 4, Burtscher 2, Camson 2, Ramos 0.
Quarterscores: 18-20; 44-45; 62-77; 97-84.