Cunningham inaresto na naman

MEDINA, Minnesota – Inaresto si Minnesota Timberwolves forward Dante Cunningham nitong Linggo sa ikalawang pagkakataon, wala pang isang linggo at ikinulong dahil sa suspetsang  terrorist threats, ilang araw lamang matapos masampahan ng domestic assault  dahil sa diumano’y pananakal sa kanyang girlfriend.

Kinumpirma ni Medina police officer Chris McGill ang pinakahuling pagkakaaresto kay Cunningham ngunit tumanggi itong sabihin ang mga detalye ukol sa alegasyon dahil magre-release ang mga pulis ng karagdagang impormasyon nitong Lunes.

Ang 26-gulang na si Cunningham ay inaresto noong Huwebes ng umaga at kinasuhan dahil ayon sa criminal complaint na isinampa sa Hennepin County District Court, sinaktan niya diumano ang kanyang girlfriend nang sila ay nag-aaway sa kanilang bahay sa Minneapolis.

Kuwento ng babae na hindi pinangalanan sa asunto, sinipa ni Cunningham ang naka-lock na pintuan at hinawakan siya sa leeg at isinalya sa dingding bago sinakal na tumagal ng ilang segundo hanggang hindi na siya makahinga.

Ayon sa pulis, ang babaeng karelasyon ni Cunningham ng walong buwan na ay hindi na nangaila-ngan ng treatment.

Kinasuhan si Cunningham ng isang felony count ng domestic assault dahil sa pananakal. Pinakawalan siya noong Biyernes at hindi nakalaro sa panalo ng Minnesota laban sa Miami Heat ngunit nakahabol siya sa laban ng Wolves kontra sa Magic kung saan umiskor siya ng 12-points sa 34-minutong paglalaro sa kanilang panalo.

Nagpalabas ang Timberwolves ng Statement noong Linggo na patuloy nilang binabantayan ang kilos ni Cunningham ngunit hindi sila nagsalita ukol sa pangalawang pagkakaaresto nito.

“We reitirate that the Minnesota Timberwiolves do not condone the behavior described in the accusations. We continue to wait for the legal process to run its course and will have further comment when appropriate,” ayon sa statement.

 

Show comments