Power Pinoys makikilatisan sa pagharap sa Korea
MANILA, Philippines - Makikilatis ang magandang epekto ng pagsasanay sa Korea sa pagsalang ng PLDT Home TVOlution Power Pinoys laban sa Mongolia sa pagbubukas ng Asian Men’s Club Volleyball Championship ngayon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Ang tagisan ay sa Group A na magsisimu-la sa ganap na ika-2 ng hapon. Sunod nito ay ang bakbakan sa pagitan ng Vietnam at Al-Zahra ng Lebanon dakong alas-4 ng hapon.
Si PSC Chairman Ricardo Garcia ang siyang magiging panauhing pandangal at tagapagsalita sa makulay na opening cere-mony na magsisimula sa ganap na ika-12 ng tanghali.
May 16 koponan ang magtatagisan sa kompetisyong magtatagal hanggang Abril 16 at ang Pilipinas ay magkakaroon ng pagkakataon na pumasok sa quarterfinals kung tatalunin ang Mongolia.
Ang Iraq ang isa pang koponan na kasama sa Group A at tatlo lamang ang maglalaban-laban para sa dalawang puwesto na uusad sa susunod na yugto dahil umayaw ang Kuwait.
“We know our situa-tion,†wika ni national coach Francis Vicente sa pulong pambalitaan na ginawa kahapon sa Mandarin Hotel sa Makati City.
“Unang-una na natutunan namin sa Korea ay ang kahalagahan ng disiplina. May 10 tune-up games din kaming hinarap at mas malalaki ang nakalaban namin at nanalo kami sa limang laro,†dagdag pa ni Vicente.
Si Christian Fernandez ang team captain ng Power Pinoys at ang mga pangunahing manlalaro ay sina Australian imports 6’3†Cedric Legrand at 6’4†William Robert Lewis bukod pa kina 6’4†John Paul Torres, 6’3†Alnakran Abdilla, 6’2†Jeffrey Malabanan, 6’2†Ronjay Galang at 6’2†movie actor/sportsman Richard Gomez.
- Latest