LOS ANGELES - Halos 16 buwan na ang nakararaan nang huling lumaban si Manny Pacquiao sa Las Vegas.
Ang huli ay noong Disyembre ng 2012 kung saan siya natumba na una ang mukha sa canvas matapos ang isang counter right ni Mexican fighter Juan Ma-nuel Marquez.
Walang makakalimot sa naturang gabi.
Sa kanyang pagbabalik sa gambling capital ay hindi na makapaghintay si Pacquiao.
“I miss Las Vegas,†sabi ni Pacquiao.
Nakatakdang bumiyahe ang Filipino boxing superstar ng halos apat na oras papunta sa Las Vegas.
Makakasama ni Pacquiao ang kanyang pamilya, mga kaibigan at supporters sa biyahe kasunod ang isang convoy na may markang Team Pacquiao.
Maaaring nasa Las Vegas na si Timothy Bradley, Jr. sa oras na dumating si Pacquiao sa Mandalay Bay.
Sa Martes ng hapon ay magtatagpo sina Pacquiao at Bradley sa MGM Grand para harapin ang mga fans at media.
Mauuna si Bradley kasunod si Pacquiao.
Ang pinakahuling press conference ay magaganap sa Miyrekules, habang ang official weigh-in ay sa Biyernes.
Nakatakda ang laban sa Sabado ng gabi (Linggo ng tanghali sa Manila).
Sa huling araw niya sa Los Angeles ay muling ina-liw ni Pacquiao ang halos 100 bisita niya sa Larchmont Park residence.
Pinamunuan ni Pacquiao ang isang church service sa kanyang bahay at kinahapunan ay ibinirit ang kanyang mga paboritong kanta.
Ang mini-darts tournament ay idinaos sa garahe.
Inihayag din ang mga nanalo sa weight-loss challenge na para lamang sa mga babae.
“We have two winners,†ani Pacquiao kina Marites Diamond at Angelica.
May 32 babae ang sumali at binigyan sila ng 2-linggo para magbawas ng eight percent ng kanilang total body weight. Tumanggap ang mga nanalo ng tig- $8,000 at ang mga sumali ay may $3,000 bawat isa.