CLEVELAND -- Walang magrereklamo sa Charlotte Bobcats ukol sa pagdiriwang nila matapos makuha ang kanilang ikalawang playoff berth sa franchise history.
Malayo na ang kanilang narating sa loob ng maikling panahon.
Tumipa si Al Jefferson ng 24 points, tampok dito ang pito sa overtime pe-riod at inangkin ng Bobcats ang isang playoff spot sa pamamagitan ng 96-94 tagumpay laban sa Cleveland Cavaliers.
Ang Charlotte ay nasa pangalawang postseason stint sa kanilang 10-year history at unang pagkakataon matapos noong 2010.
Hawak ng Bobcats (39-38) ang seventh place sa Eastern Conference. Pinuri ni Steve Clifford, ang pangatlong head coach ng Bobcats sa loob ng tatlong seasons, ang kanyang mga players.
‘’This is a significant accomplishment for our group of guys, and it puts us in a different place in the league,’’ ani Clifford. ‘’The guys in the locker room are excited - and they should be - because we’ve got a good group of guys and a group of guys who are truly deserving.’’
Kasabay ng pagdiriwang ng Bobcats ay nanamlay naman ang pag-asa ng Cavaliers na makapasok sa playoffs.
Nakakuha ang Cleveland ng career-high na 44 points mula kay Kyrie Irving.
Naghahabol ang Cleveland (31-47) sa eighth-place na Atlanta ng tatlo at kalahating laro para sa huling playoff spot sa East.
Matapos magtala ng 7-59 record sa lockout-shortened na 2011-12 season ay nagposte sila ng 21-61 noong nakaraang season.
Ang basket ni Gerald Henderson ang nagbigay sa Charlotte ng 90-89 abante sa huling 1:08 minuto ng laro kasunod ang apat na free throws para selyuhan ang kanilang panalo sa Cleveland.
Umiskor si Kemba Walker ng 20 points at tumapos si Henderson na may 15 markers para sa Bobcats, nakamit ang ikaapat na sunod na panalo at winalis ang kanilang four-game season series ng Cavaliers.