Gilas Pilipinas nagpasikat
MANILA, Philippines - Tiniyak ng Gilas Pilipinas na hindi sila tatabla sa PBA All-Stars kumpara noong nakaraang taon sa Digos City, Davao.
Nagtayo ng 18-point lead sa third period, inalagaan ng Gilas Pilipinas ang naturang kalamangan patungo sa 101-93 panalo laban sa PBA All-Stars sa 2014 PBA All-Star Game kagabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Noong nakaraang taon ay nagsalpak si Jeff Chan ng isang three-point shot sa pagtunog ng final buzzer para itabla ang Nationals sa 124-124.
“We expected that as we had Marcus (Douthit). It’s a kind of an unfair advantage,†sabi ni Gilas coach Chot Reyes. “But more than the final outcome, the final score, we’re looking at how the players react and how the players follow the game plan. We’re happy with the 28 assists. It speaks volume of the kind of team that we have,.â€
Kinamada ni Gary David ang siyam sa kanyang 15 points sa fourth quarter upang pigilan ang paghahabol ng All-Stars.
Naupo na siya, ilang minuto pa ang natitira ngunit hindi ipinagkait sa kanya ang PBA All-Star Game MVP award.
“They really prepared hard for this game and they played well,†ani Reyes ukol sa tropa ni coach Tim Cone.
Ito ang unang pagkakataon na nagsama-sama ang Gilas matapos kunin ang silver medal sa 2013 FIBA-Asia Men’s Championships noong Agosto.
Maliban sa Gilas, kakatawanin din ng gold medalist na Iran at bronze medal winner na South Korea ang Asya para sa 2014 FIBA World Cup sa Spain.
Gilas Pilipinas 101 - Chan 17, David 15, Fajardo 13, Castro 12, Douthit 10, De Ocampo 7, Norwood 7, Aguilar 7, Lee 5, Dillinger 4, Fonacier 3, Pingris 1, Alapag 0, Tenorio 0, Belga 0.
PBA All-Stars 93 - Lassiter 12, Slaughter 11, Santos 9, Simon 9, Yap 8, Barroca 8, Thoss 8, Ellis 7, Baracael 6, Devance 6, Abueva 6, Canaleta 3.
Quarterscores: 28-23, 49-42, 82-64, 101-93.
- Latest