MANILA, Philippines - Nakuha ng Jacklyn’s DiaÂmond ang pangalawang hangin para hindi maÂsayang ang magandang ipinakita sa class division two race noong Biyernes ng gabi sa bakuran ng SanÂta Ana Park sa Naic Cavite.
Inakalang naubos na ang kabayong sakay si JE Villanueva nang makauna ng isang ulo ang Scout Ranger, hinataw ng hinete ang Jacklyn’s Diamond para manumbalik ang init ng pagtakbo nito sa pagpasok sa huling 75-metro sa 1,300-metro karera.
Bunga nito ay kumaripas muli ng takbo ang di napaborang kabayo para maiwan ng halos apat na dipa ang mga nakalaban.
Ang Naga sa pagdiskarte ni FA Tuason ang siya pang sumegunda nang maungusan sa dikitang pagÂtatapos ang Scout RanÂger sa pagdadala ni RO Niu Jr.
Galing sa ika-10 puwestong pagtatapos ang Jacklyn’s Diamond para di mapaboran sa 13 kabaÂyong nagtagisan.
Ang nanalong kabayo ang lumabas bilang pinaka-longshot sa gabing ito matapos maghatid ng P75.00 dibidendo, habang ang 12-11 forecast ay may P266.50 na ipinamahagi.
Naipakita rin ng SioÂpaoÂkinghaha na kaya pa nitong umani ng panalo matapos makasilat ng panalo sa race three. (ATan)