Ateneo magpapalakas ng tsansa sa second round ng V-League

Laro Ngayon

(The Arena, San Juan City)

2 p.m. SWU vs Ateneo

4 p.m. UST vs FEU

Palalakasin muli ng UAAP champion Ateneo Lady Eagles ang laban pa­ra sa puwesto sa se­cond round sa pagsukat sa namemeligrong South­western University Lady Cobras sa Shakey’s V-League Season 11 First Con­ference ngayon sa The Arena sa San Juan Ci­ty.

Unang laro sa ganap na ika-2 ng hapon gagawin ang labanan at nais ng Ateneo na makaba­ngon mula sa 25-21,16-25, 25-17, 20-25, 13-15 pag­katalo sa Arellano La­dy Chiefs sa huling laro tungo sa 1-1 baraha sa Group A.

Ininda ng koponan ang pagkakaroon ng 41 errors para mabigong dug­tungan ang unang pa­nalo na kinuha sa Adamson.

Dapat na manumbalik ang gilas ng paglalaro ng Lady Eagles dahil nahaharap sa must-win ang CESAFI champion na Lady Cobras.

Sa 1-3 baraha, kasama ang tatlong sunod na pag­katalo, kailangan ng SWU na maigupo ang ma­lakas na hamon ng Ate­neo para manatiling pa­laban sa puwesto sa su­sunod na yugto sa ligang inorganisa ng Sports Vi­sion katuwang ang Sha­key’s.

Ang UAAP season at Finals MVP Alyssa Val­dez ang siyang aatakeng mu­li. (ATan)

Show comments