Gilas Pilipinas kontra sa PBA All-Stars ngayon
MANILA, Philippines - Parehong seseryosohin ng Gilas Pilipinas at ng PBA All-Stars ang kaÂnilang laro sa 2014 PBA All-Star Game ngayong alas-5 ng hapon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Sa kanilang unang pagÂhaharap noong nakaÂraang taon sa Digos City ay nauwi sa 124-124 ang iskor matapos ang buzzer-beating three-point shot ni Jeff Chan.
Tiniyak ni PBA All-Star coach Tim Cone na hindi na aabot sa 124 points ang Nationals ni menÂtor Chot Reyes.
“It’s not going to be fun. It’s going to be serious. It will be a battle,†saÂbi ni Cone ng San Mig Coffee.
Ito ang unang pagkaÂkataon na muling nagsaÂmaÂ-sama ang Gilas PiÂlipinas matapos kunin ang silver medal sa 2013 FIBA-Asia Men’s Championships na inilaro din sa MOA Arena.
Ang Gilas Pilipinas, kasama ang gold medaÂlist na Iran at bronze medal winner na South Korea, ang kakatawan sa Asya sa 2014 FIBA World Cup sa Spain.
Ayon kay Cone, gusto nilang tulungan ang Nationals para sa paghaÂhanda nito sa 2014 FIBA World Cup.
Kaya iba-ibang depensa ang kanilang ipapalasap sa Gilas Pilipinas.
Ang dalawang panaÂlo ng koponan sa group plays ang tiyak nang magÂpapasok sa kanila sa knockout stage ng FIBA World Cup.
Ang Gilas Pilipinas ay nasa grupo ng Argentina, Greece, Puerto Rico, CroaÂtia at Senegal.
“It’s a good opportunity for us to get together again since last August, but I’m not really expecting much,†wika ni Reyes.
Muling babanderahan nina 6-foot-11 naturalized center Marcus Douthit, JimÂmy Alapag, Jayson CasÂtro at Chan ang Gilas Pilipinas katuwang siÂna LA Tenorio, Japeth Aguilar, June Mar FajarÂdo, Marc Pingris, Gabe Norwood, Ranidel De Ocampo, Gary David, Larry Fonacier at reserve player Beau Belga.
Sina Jared Dillinger at Paul Lee ang pinakahuÂling idinagdag ni Reyes sa national pool matapos tumanggi sina seven-foot rookie Greg Slaughter ng Barangay Ginebra at Marcio LasÂsiter ng San Miguel Beer.
Ang PBA All Stars ay binubuo nina Slaughter, James Yap, Arwind Santos, Mark Barroca, Chris Ellis, Mac Baracael, Calvin Abueva, Marcio Lassiter, Sonny Thoss, Joe Devance, Niño ‘KG’ Canaleta at PJ Simon.
Naglagay ang PBA Board ng cash prize na P100,000 para sa mananalo sa pagitan ng Gilas Pilipinas at PBA All-Stars.
- Latest