Panamao Princess nakapanggulat

MANILA, Philippines - Magandang panimula sa buwan ng Abril ang na­i­tala ng Panamao Princess nang gulatin nito ang mga nakalaban noong ­Huwebes ng gabi sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.

Si JV Ponce ang dumiskarte parin sa kabayo at mahusay ang pagkakapuwesto ng hinete sa kabayo sa balya para makuha ang di inaasahang panalo at lumabas bilang pinakadehadong nanalo sa unang
araw ng pista sa ra­cing club na pag-aari ng Philippine Racing Club
Inc. (PRCI).

May 12 kabayo ang naglaban at napaboran sa Handicap Race 1 na
inilagay sa 1,000-metro ang Boss Pogi pero nai­pit ang kabayo sa alisan
at hindi nakuha ang momentum para tumapos lamang sa ikaapat na
puwesto.

Nakauna sa pagbubukas ng aparato ang Panamao Princess ngunit humabol
ang Super Elegant at Power Gear at ang dalawang kabayong ito ang
nagdala ng trangko sa una­ng kurbada.

Pinabilis ni JD Juco ang takbo ng Super Elegant pero hindi bumitiw ang
Power Gear ni BM Abe habang naghihintay ng tamang pagkakataon para
umatake ang Panamao Princess na ang pinakama­gandang naipakita sa buwan
ng Marso ay isang pangatlong puwestong pagtatapos.

Nasilip ni Ponce ang hanap na pagkakataon sa pagpasok ng far turn at
dahil nasa balya, nakuha agad ng Panamao Princess ang kalamangan sa
pagbungad ng meta.

Malakas pa ang na­nalong kabayo para ma­unang tumawid sa meta na may
isang kabayong angat sa Power Gear.

Dahil malayo ang benta sa mga napaboran sa karera, naghatid ang win ng
P150.50 dibidendo habang ang 3-7 forecast ay mayroong P1,551.50 na
ibinigay upang mapasaya ang mga dehadista.

Naisantabi ng Black Parade ang ginawang pang­lulutsa ng  Classy Kit Cat
upang makatikim uli ng panalo sa isang HR-2 race sa 1,000-metro
distansya.

Sa pagbukas ng gate ay nagbakbakan na ang na­nalong kabayo na hawak ni
WC Utalla at ang sakay ni Fernando Raquel Jr. at nakaangat pa ang Classy
Kit Cat sa bandang likuran.

Pero hindi bumigay ang dehadong Black Parade at sa far turn ay kinuha
na ang trangko.

Sa rekta ay lalo pang tumulin ang kabayo na huling nanalo noon pang
Marso 18 para makapagtala ng halos dalawang dipang panalo.

Nakaremate pa ang Work Of Heart ni JB Cordova para maagaw ang
ikalawang puwesto sa Classy Kit Cat.

Nakabangon ang Black Parade buhat sa ika-10 puwestong pagtatapos noong
Marso 29 para makapaghatid din ng P60.50 sa win habang umabot sa
P339.00 ang ipinamahagi sa 6-4 forecast.

Ang pinakaliyamadong kabayo na kuminang ay ang Golden Rule na
pinalawig ang pagpapanalo sa limang sunod matapos manaig sa Special
Class Division race sa 1,200-metro distansya.

Si JF Paroginog ang sakay na hinete ng kabayo at walang naging
problema sa takbo ng outstanding favorite sa 13 kabayong karera dahil
banderang-tapos ang ginawa ng tambalan.

Ang Flying Honor ang tumawid sa ikalawang puwes­to at ang 8-2 forecast
ay may P13.50 dibidendo matapos ang balik-taya sa win. (AT)

Show comments