^

PM Sports

Garcia panauhin sa PLDT Home Fibr-AMCC

Pang-masa

MANILA, Philippines - Si Philippine Sports Commission (PSC) Chairman Ricardo ‘Ritchie’ Garcia ang magiging guest of honor at main speaker sa pagbubukas ng PLDT Home Fibr  Asian Men’s Club Volleyball Championship s sa Abril 8 sa Mall of Asia Arena sa Pasay City

Magkakasabay na mapapanood ang mga aksyon ng 16 koponan na hinati sa apat na grupo sa Cuneta Astrodome sa torneong matatapos sa Abril 16.

Masayang tinanggap ni Garcia ang bagong pamunuan ng Philippine Volleyball Federation (PVF) matapos ang halos isang dekadang pananahimik.

Isang taon matapos isagawa ang reorganization, pamamahalaan ngayon ng PVF ang AMCC.

Ang PVF ay pinamumunuan ni president Karl Chan katuwang si secretary general Otie Camangian.

Ang torneo ay itinataguyod ng Mikasa, Healthway Medical, Maynilad, Gerflor Spurway, Senoh Equipment, STI, PSC at nina Pasay City  Mayor Antonino Calixto at MMDA Chairman Atty. Francis Tolentino.

Ang mga tiket ay mabibili online sa http://www.smtickets.com/ at sa lahat ng SM ticket outlets.

Ito ang unang pagkakataon na magkakaroon ng koponan ang bansa sa AMCC.

Ang PLDT HOME TVolution team, kiilalanin bilang Power Pinoys, ay binubuo nina JP Torres, Ron Jay Galang, Jeffrey Malabanan, Alnakran  Abdilla at actor-sportsman Richard Gomez katuwang sina Australian players Cedric Legrand at William Robert Lewis.

Nakatakdang ibunyag ni national Coach Francis Vicente ang iba pang miyembro ng koponan.

Ang Philippine team ay nasa Group A kasama ang Iraq at Mongolia, habang nasa Group B ang Iran, Japan, Lebanon at Vietnam. Magkakasama sa Group C ang 2013 runners-up, Qatar at Kazakhstan, Oman, Hong Kong at Turkmenistan at nasa Group D ang China, Uni-ted Arab Emirates, Papua New Guinea at Chinese Taipei.

ABRIL

ANG PHILIPPINE

ARAB EMIRATES

ASIAN MEN

CEDRIC LEGRAND

CHAIRMAN ATTY

CHAIRMAN RICARDO

CHINESE TAIPEI

CLUB VOLLEYBALL CHAMPIONSHIP

PASAY CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with