^

PM Sports

Asahang mas lalaki ang kita sa horse racing industry

Pang-masa

MANILA, Philippines - Malaki ang posibilidad na mahigitan ng horse racing industry ang kinita noong 2013.

Ito ang lumabas mata­pos ihayag ni Philracom executive director at commissioner Jess Cantos na patuloy ang pagtaas ng sales ng industriya sa
unang tatlong buwan ng 2014 kumpara sa ganitong buwan noong naka­raang taon.“We are up again by P51.5M last week and run­ning total now of gross
receipts increase is P154.7M. This is 8.34% increase based on 2013 January to end of March sales fi­gures,” wika ni Cantos.

Tumaas ang kita dahil na rin sa pagpapalakas ng tatlong racing clubs sa kanilang marketing at ang mga magagandang impormasyon na ibinibigay sa
coverage sa telebisyon.

“Marketing efforts of the three clubs using social media and informative TV coverage ang mga nakatulong sa pagtaas ng sales. Importante ang ready ears sa ultimate customer ng karera at iyon ang bayang karerista,” pahayag pa ni Cantos.

Ang pagkakaroon na rin ng pagkakaisa sa lahat ng sektor ang isa rin sa malaking dahilan kung bakit patuloy ang pagtangkilik sa mga pakarera.
Natapos na ang sigalot sa hanay ng Philracom at ng tatlong horse owners associations na MARHO, Philtobo at Klub Don Juan nang dumalo ang kanilang kinatawan sa isang unification meeting noong Marso 7.

Si dating MARHO president at ngayon ay Mandaluyong City Mayor Benhur Abalos ang siyang naging punong-abala sa pagpupulong na ito na dinaluhan din ng pamunuan ng Philracom sa pangu­nguna ni chairman Angel Castano Jr. Sa nasabing pagpupulong ay napagdesisyunan din ang pagbabalik ng Monday races na kahilingan ng mga racing clubs para umangat pa ang kita ng industriya.

Kumilos din ang Philracom para mabigyan ng pagkakataon ang lahat ng mga
pangarerang kabayo na magkaroon ng lalahukang karera at magkaroon din ng pagkakataon na manalo para mabawi kahit paano ang gastos sa pagmementina sa mga ito sa ipapairal na ‘innovative grouping system’.

Noong nakaraang taon ay pumalo sa P7.78 ­bil­y­on ang sales ng industriya na mas mataas ng P227M kumpara noong 2012.

Sa pag­kakaroon ng mas magandang kondisyon sa horse ­racing, hindi malayong
mas mataas ang kabigin sa taong 2014. (AT)

ANGEL CASTANO JR. SA

JESS CANTOS

KLUB DON JUAN

KUMILOS

MALAKI

MANDALUYONG CITY MAYOR BENHUR ABALOS

PHILRACOM

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with