MANILA, Philippines - Kagaya ng dapat asahan, hinirang si 6-foot-2 Dindin Santiago bilang top overall pick sa Phi-lippine Super Liga (PSL) rookie draft na idinaos kahapon sa NBA Café sa SM Aura.
Ang dating kamador ng National University na si Santiago ay pinili ng Petron para palakasin ang Blaze Spikers sa naturang premier club tournament na itinataguyod ng Mikasa, Asics, Jinling Sports at Healthway Medical Services.
“Of course, masa-yang-masaya ako kasi ako ang unang No. 1 overall pick ng Philippine Super Liga,†sabi ni Santiago, iginiya ang Lady Bulldogs sa dalawang sunod na Final Four appearances sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP) women’s volleyball tournament.
Magbubukas ng PSL All-Filipino Conference sa Mayo 10 sa Philsports Arena sa Pasig City.
Kinuha naman ng expansion team na Air Asia si dating La Salle ace na si Abigail Maraño na muling makakasama si head coach Ramil de Jesus at ang Lady Spikers.
Natalo ang Lady Spikers sa nagreynang Ateneo Lady Eagles sa nakaraang UAAP Finals.
Pinili naman ng RC Cola bilang third overall pick si Iari Yongco ng La Salle-Dasmariñas, samantalang hinugot ng Cagayan Valley si Janine Marciano ng San Beda.
Si Jem Ferrer ng Ateneo ang kinuha ng PLDT at inangkin ng Cignal si Norie Diaz ng Perpetual.
Tinapos ng back-to-back champion na Phi-lippine Army, dadalhin ang Generika Drugs, ang first round matapos kunin si Christine Agno ng Far Eastern University.
Bukod kay Santiago, idinagdag din ng Petron ang isa pang NU player na si Carmina Aganon matapos hugutin sa second round kasunod si Mayette Zapanta ng Adamson sa third round.
Sinikwat ng Air Asia sina dating La Salle spi-ker Wensh Tiu sa second at si May Macatuno ng Adamson sa third at isinunod si Arianna Angustia ng Emilio Aguinaldo College sa fourth round.
Isinama ng RC Cola sa kanilang line-up si Jill Gustilo ng Adamson at sina UP stalwarts Toni Faye Tan at Southlyn Ramos.
Kinuha ng Cagayan Valley si Charlene Gillego ng FEU, habang pinili ng PLDT si Rysabelle Devanadera ng San Sebastian at hinugot ng Cignal si Michiko Castañeda ng UP. (RC)