^

PM Sports

Ano nga ba naman ang magagawa ng PSC?

BALL FACTOR - Mae Balbuena - Pang-masa

Mainit ngayon ang usapin tungkol sa paghihigpit ng Philippine Sports Commission (PSC) sa pagbibigay ng pondo sa mga (NSAs) national sports associations.

May memo ang Commission on Audit (COA) sa PSC tungkol sa pagre-release ng pondo sa mga NSAs na may unliquidated accounts.

Ipinag-utos ng COA na huwag bigyan ng pondo ang NSAs na may nakuhang pera sa PSC ngunit ‘di pa nali-liquidate.

Kaya agad pinagsabihan ni PSC Chairman Richie Garcia ang mga NSA’s na hindi sila magbibigay ng pondo sa mga mayroong unliquidated accounts.

Sa tingin ni Philippine Olympic Committee (POC) president Jose Peping Cojuangco, isang pang-ha-harass ang ginagawa ng COA.

Ayon kay Cojuangco, diskriminasyon ito sa Phi-lippine Sports.

Sa katunayan, puwede pa rin namang maglabas ng pondo ang PSC sa mga dilingkuwenteng NSAs.

Nasa kamay ni Garcia ang pagdedesisyon ukol sa pagbibigay ng pondo sa NSAs.

Ngunit sagutin ni Garcia ang lahat ng pondo ng PSC. Kapag may nawalang pera, siya ang magbabayad.

Bakit nga naman niya ilalagay ang sarili niya sa alanganing sitwasyon?

Natural lang na papanagutin ang mga dilingkuwenteng NSAs.

Sila ang gumamit ng pera kaya dapat lang nilang ipaliwanag kung saan napunta ang perang kinuha nila mula sa PSC.

 

 

vuukle comment

AYON

BAKIT

CHAIRMAN RICHIE GARCIA

COJUANGCO

GARCIA

JOSE PEPING COJUANGCO

PHILIPPINE OLYMPIC COMMITTEE

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

PONDO

PSC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with