Petron Spikers magpapalakas sa PSL Draft bukas

MANILA, Philippines - Nabigyan ang Petron Blaze Spikers ng pagkakataong mapalakas ang kanilang koponan matapos makuha ang first pick sa lottery para sa kauna-una-hang Philippine Super Liga (PSL) Draft na nakatakda bukas sa NBA Café sa SM Aura, Taguig City.

Ang inaugural pool ay binubuo ng 26 na pangunahing unsigned volleybelles na maaaring kunin para sa protected nine players ng bawat koponan na sasabak sa premier volleyball club tournament.

Ang PSL Draft ay gagawin sa alas-2 ng hapon.

Kumpiyansa ang Lady Blaze Spikers, kinakatawan nina team manager Monch Cruz at assistant coach Shaq de los Santos, na mapapalakas nila ang tropa sa pagpasok ng mga mahuhusay na players na nanggaling sa katatapos na collegiate women’s volleyball wars.

“We’re very excited at having the first overall pick. This gives us a good chance to be very competitive this season,” sabi ni Cruz.

Ang bagong prangkisang Air Asia-Zest ang huhugot bilang may-ari ng second pick.

Susundan sila ng RC Cola, Cagayan Valley, PLDT MyDSL, Cignal at Philippine Army, ngayon ay dadal-hin ang Generika Pharmaceuticals na kinakatawan ni team manager Claire Carlos.

Inaasahang kukunin ng Petron, tumapos na ikatlo sa inaugural PSL invitational at pang-lima sa import-laced PSL Grand Prix noong nakaraang taon, si National University stalwart Aleona Denise Santiago.

Ang 6-foot-2 na si Santiago ang bumandera sa Lady Bulldogs sa isang third place finish sa UAAP Season 76.

Hinirang siyang Best Spiker sa kanyang huling taon sa paglalaro ng volleyball sa NU.

Pinupuntirya naman ng Air Asia Zest, kinabibila-ngan nina dating De La Salle University Lady Spikers Michele Gumabao, Melissa Gohing, Stephanie Mercado at Cha Cruz,  si dating two-time UAAP MVP Abigail Maraño.

Sina PSL chairman Philip Ella Juico, Commissioner Ian Laurel at Sportscore chairman Ariel Paredes ang makakasama ni PSL President Ramon Suzara sa pangangasiwa sa Draft matapos ang matagumpay nilang inaugural year.

“With the Draft, the PSL has set in motion the process of players’formal entry into the league,” wika ni Juico.

 

Show comments