Itutodo na ni Pacquiao
MANILA, Philippines - Inamin ni Manny Pacquiao na hindi niya masyadong binugbog si Timothy Bradley nang una silang magkita dalawang taon na ang nakakalipas ngunit nangako siyang magiging iba na ang kanyang pagtrato sa American champion.
Sa unang episode Pacquiao-Bradley 24/7 sa HBO na isinaere kamakailan, muling iginiit ni Pacquiao na kailangan niyang maging mabagsik sa pagsagupa kay Bradley sa ikalawang pagkakataon.
Sinabi ng fighting congressman na naging ‘mabait’ siya kay Bradley sa una nilang paghaharap noong Hunyo ng 2012 na nagresulta sa kontrobersyal na split decision win ng American.
“I should put more on gas and be aggressive,†pagbabalik-tanaw ni Pacquiao sa nangyari noong 2012. “I’m not saying that I could knock him out, but I’m just nice to Bradley in the ring. That’s what happened,†dagdag pa nito.
Ipinilit ni Pacquiao na siya ang tunay na nanalo sa nasabing laban na sinang-ayunan naman ng mga boxing observers at fans.
Matapos ito ay natalo naman si Pacquiao kay Juan Manuel Marquez via sixth-round knockout ngunit nakabawi nang gulpihin si Brandon Rios noong Nobyembre sa Macau.
“I’m just smiling and I said, I think my thought is, ‘This is boxing; part of the game,†sabi ni Pacquiao.
Hahamunin ni Pacquiao si Bradley para sa suot nitong WBO welterweight crown at aminado siyang kailangan niyang maging mas agresibo.
“I’m not saying that I’m going to knock him out, but I will bring back the aggressiveness and the killer instinct that he wants to see,†wika niya. “It’s good for me. It’s good. It’s kind of challenging me. I want to answer him in action on April 12th,†dagdag pa nito.
Kinukuwestiyon pa rin ni Bradley ang kakayahan ni Pacquiao.
“He hasn’t lost any of his ability. I feel he lost his power. He don’t have it anymore,†said Bradley, who beat Pacquiao on points in their first meeting two years ago,†sabi naman Bradley.
- Latest