Ilyasova out na sa season

MILWAUKEE – Sinabi ng Milwaukee Bucks na posibleng hindi na makalaro si forward Ersan Ilya-sova sa natitirang bahagi ng season dahil sa namamagang right ankle.

Ayon sa pahayag ng Bucks, ineksamen ng espes-yalista sa Los Angeles ang paa ni Ilyasova at ang rekomendasyon ay imbes na operahan, ipahinga na lang ito at agad na simulan ang rehabilitation.

Ayon sa Milwaukee, base sa naturang re-commendation, hindi na makakalaro si Ilyasova sa kabuuan ng season.

Sa 55 games ngayong season kung saan 47 beses siyang naging starter, nag-average si Ilyasova ng 11.2 points, 6.2 rebounds at 1.1 assists sa 26.9 minutes kada-laro.

Show comments