Zamar wala na sa Univ. of the East
MANILA, Philippines - Dahil hindi maibibigay ang lubusang oras sa koponan kaya’t minabuti ng pamunuan ng University of the East na pakawalan na ang kanilang coach na si David Zamar.
Sa kalatas na galing kay incoming UAAP president sa Season 77 Carmelita G. Mateo, inihayag niya na hindi na uupong head coach ng Red Warriors si Zamar mula Abril 1.
Binanggit niya na ang pagkakaroon ng maraming koponan na hinahawakan ang isa sa mabigat na dahilan upang alisin nila si Zamar, na dati ring manlalaro ng paaralan sa liga.
Kasama sa mawawala ang iba pang coaching staff ni Zamar.
“UE management feels that the Warriors’ head coach must be one who will handle the team full-time, one without commitments to other teams,†wika ni Mateo.
“The University will announce next week as to who will take over as the Red Warriors Head Coach,†dagdag nito.
Bukod sa UE, si Zamar ay head coach din ng Cebuana Lhuillier sa PBA D-League Foundation Cup bukod sa pagiging isa sa mga assistant coaches ng San Miguel Beer sa PBA.
Sa kalagitnaan noong Season 75 bumalik si Zamar sa Red Warriors matapos magbitiw ang coach na si Jerry Codiñera bunga ng 1-6 panimula.
Inakala sa natapos na UAAP season na lalaban sa titulo ang UE dahil sa paglalaro ng higanteng si Charles Mammie habang nasa koponan din ang scorer na si Roi Sumang.
Ngunit ang Warriors na nanalo ng isang pre-season tournament bago binuksan ang 76th season, ay tumapos lamang bitbit ang 7-7 baraha para sa ikapitong puwesto.
Sa halos isa’t-kalahating taon ng pag-upo ni Zamar, na coach din ng UE noong 2001 hanggang 2004, nakapagtala siya ng kabuuang 9-12 baraha.
Hanap ng Warriors na makapasok sa Final Four sa papasok 2014-15 season para mapagningning ang pagtayo bilang punong abala ng liga. (AT)
- Latest