MANILA, Philippines - Matapos ang Talk ‘N Text ay ang San Miguel Beer ang sumunod na pinakamainit na koponan ngayon sa elimination round ng 2014 PBA Commissioner’s Cup.
Nasa kanilang four-game winning streak, sasagupain ng Beermen ang nagdedepensang Alaska Aces ngayong alas-5 ng hapon sa Alonte Sports Center sa Biñan, Laguna.
Ang huling naging biktima ng Beermen ay ang Globalport Batang Pier, 109-92, noong Marso 24 kung saan humakot si import Kevin Jones ng double-double sa kanyang 30 points at 19 rebounds, habang kumolekta si Arwind Santos ng 18 points at 10 boards.
Sinabi San Miguel Beer American ‘active consultant’ Todd Purves na may ilang player pa rin silang may iniindang injury.
“We’ve got one more game before we get a bit of a break and hopefully, we’ll get some bodies healed on that break,†wika ni Purves.
Matapos magtala ng 1-1 record ay umarangkada ng apat na sunod na panalo ang Beermen para masolo ang ikalawang puwesto.
Samantala, idinaan naman ni Mark Caguioa ang kanyang pagkainis sa inilalaro ng Barangay Ginebra sa pamamagitan ng kanyang Twitter account na @officialMC47.
“If this team play the way we practice we would be unstoppable. Kaso ‘pag meron nang camera wala na parang pa pogian lang. Walang gigil at galit,†wika ni Caguioa sa Gin Kings, nasa isang two-game losing skid. Sa laro, gusto ko rin makita na sana ‘yung nakikipag laban sa bangaan hindi yung lagi kami tinitulak or binabanga #LETSWAKEUPGINEBRA,†ani Caguioa.