^

PM Sports

4 kabayo suspindido

Pang-masa

MANILA, Philippines - Apat na kabayo ang hindi makikita sa karera­han sa loob ng isang buwan

matapos suspin­dihin matapos ang masama­ng ipinakita sa hu­ling mga
tak­bo.

Ang mga kaba­yong ito ay ang Charger, Windy Hour, Mahadi at Golden
Needle na hindi makakatakbo hanggang Abril 15.

Sumali ang mga nasabing kabayo sa kare­rang ginawa sa MetroTurf sa
Malvar, Batangas noong Marso 15 at 16 pero nagkaroon ang mga ito ng
infractions para mabigyan ng kaparusahan.

Ang Golden Needle na sinakyan ni RF Torres ay nasuspindi dahil tumapos
ito na mahigit na 75-metro ang layo sa pumangatlo sa karerang nangyari noong
Marso 15.

Nagkaroon ng bila­teral epistaxis ang Windy Hour na nangyari sa
ikalawang pagkakataon para patawan ang kaba­yong sinakyan ni Dan
Camañero ng isang buwang pahinga at kaila­ngang sumailalim sa isang
official barrier trial.
Nilagnat ang Charger sa karerang nilahukan noong Marso 16 dahilan para
ma-scratch ito at pagpahingahin din ng isang buwan habang ang
Mahadi ay nagkaroon din ng bilateral epistaxis sa ikalawang
pagkakataon  nang sumailalim sa barrier trial para ipahinga uli sa
loob ng isang buwan.

Mahigpit ang pamunuan ng horse racing lalo na ang mga Board of
Stewards ng tatlong raci­ng clubs sa kondisyon ng mga kabayo para
matiyak na palaban ang mga ito at hindi madedehado ang mga tumatayang bayang karerista.

May ilang kabayo na rin ang binigyan ng tatlong buwang suspension at
ang huling pinatawan ay ang Four Speed na hina­wakan  ni BM Yamzon
matapos tumakbo noong Marso 11 sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona,
Cavite.Natuklasan na nagkaroon ang kabayo ng bilateral epistaxis sa ikatlong
pagkakataon para ipag­utos ang mas mahabang pahinga. (AT)

 

vuukle comment

ABRIL

ANG GOLDEN NEEDLE

FOUR SPEED

MAHADI

MARSO

SAN LAZARO LEISURE PARK

SHY

WINDY HOUR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with