Hickson naoperahan

DENVER – Sinabi ng Denver Nuggets na inope-rahan si forward J.J. Hickson para ayusin ang napunit na ligament sa kanyang kanang tuhod nitong Martes.

Nagka-injury si Hickson sa ACL sa kaagahan ng fourth quarter sa pagkatalo ng Denver sa Dallas noong Biyernes, nang bumagsak siya sa baseline.

Puro injury ngayong season ang Nuggets na hindi na nakakaasa kina Danilo Gallinari, JaVale McGee at Nate Robinson matapos magtamo ng injury na tumapos ng kanilang season.

Ang 25-gulang na si Hickson ay nag-average ng 11.8 points at 9.2 rebounds ngayong season. Mayroon din siyang team-high na 26 double-doubles.

‘’We know he will attack his rehab with the same energy and hard work that he displays on the court every night,” sabi ni Nuggets general manager Tim Connelly ukol kay Hickson.

Show comments