Miami Heat nakaligtas sa Blazers

MANILA, Philippines - Ipinagdiwang ni Chris Bosh ang kanyang ika-30 kaarawan sa pagpapanalo sa Miami, ipinagkait ng Chicago Bulls sa Indiana Pacers ang pagkopo ng Central division title habang nakaabot naman ang LA Clippers sa 50 panalo.

Sa Miami, umiskor si  LeBron James ng lay-up para kumpletuhin ang kanyang 32 points performance na naglagay sa  Miami sa komportableng kalama-ngan 11.4 segundo na lang ang natitira at sinupalpal ng birthday boy na si Bosh ang layup ni Damian Lillard sa final play nang sayangin ng Heat ang 17-point fourth-quarter lead bago talunin ang Portland Trail Blazers, 93-91 nitong Lunes ng gabi.

“If you talk it, you back it up,’’ sabi ni James. “That’s what it’s about. We have guys in here that will deliver the words and then go back it up. That was big-time on his part.’’

Sa Chicago, sinabi ni Bulls center Joakim Noah na hindi pa dapat iitsapuwera ang Chicago Bulls sa labanan sa Eastern Conference na iniisip ng marami na magiging labanan lang ng Indiana at Miami.

Matapos ang 89-77 panalo sa nangungunang India-na, sinabi ni Noah sana kayang makipagsabayan ng Bulls laban sa Pacers at sa defending champion Miami Heat sa Eastern Conference.

“We feel like we can go at anybody, we can beat anybody, when we’re hungry. Stay humble and keep grinding,’’ sabi ni Noah. “I said right after the game, ‘I’m excited about having an opportunity to play these guys again.’’

Sa Los Angeles, nagtala si Blake Griffin ng 27-points at 14-rebounds nang makaabot ang Clippers sa 50 panalo sa pamamagitan ng magaang 106-98 tagumpay laban sa NBA worst team na Milwaukee.

Ang Clippers ang ika-siyam na NBA franchise  na may iba’t ibang head coaches na naghatid sa kanila sa 50 panalo sa magkasunod na season.

Show comments