MANILA, Philippines - Hindi naging probleÂma sa Silver Sword ang pagtakÂbo sa labas ng Metro Turf nang madaÂling pinagharian ang Philracom Ruby Anniversary Race kahapon sa San LaÂzaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.
Ito ang ikalimang sunod na panalo ng apat na taong filly sa taon pero ang naunang apat na taÂgumpay ay naÂilista sa ikatÂlong racing club sa MalÂvar, Batangas.
Pero kondisyon ang kaÂbayong hinawakan ni Jonathan Hernandez para hiÂyain ang dalawang iba pang naÂkalaban sa 1,500-metrong distansya.
Ang winning time ng kabayong anak ng ReaÂdy’s Image at Skirmish Point ay 1:35.8 sa kuwartos na 19, 25’, 25’, 25’ upang makopo rin ng tambalan ay unang malaking panalo sa taon.
Nagkahalaga ito ng P300,000.00 premyo muÂla sa P500,000.00 na inilaan ng Philippine Racing CommisÂsion na nagselebÂra ng kanilang ika-40 taÂon ng pagkaÂkaÂtatag para paÂngasiwaan ang horse raÂcing industry.
Tatlong kabayo lamang ang naglaban dahil na-scratch Royal Reign pero hindi nakasabay ang Penrith at Captain Ball sa Silver Sword.
Hindi nagbago ang porÂma ni Hernandez mula sa alisan hanggang sa daÂtingan at hindi na nito kiÂnailaÂngang gamitan ng latigo ang Silver Sword na kusang tumulin.
Ang Captain Ball at Penrith ay nagbalikatan paÂra sa ikalawang puwesÂto at pinalad ang nasa balyang PenÂrith na pag-aari ni Herminio Esguerra at ginabaÂyan ni Fernando Raquel Jr. na nagwagi ng isang ulo sa Penrith na hawak ni Dominador Borbe Jr. para kay dating Philracom commissioner Jun Sevilla.
Nagkamit ang Captain Ball ng P112,500.00, habang P62,500.00 ang napasakamay ng Penrith.
Bumenta ang Silver Sword ng P648,718.00 sa DaiÂly Double na umabot ng P745,834.00, habang ang win ay nagkahalaga ng P7.50 at ang kombiÂnasyon ng dalawang piÂnaborang kabayo na 1-4 ay may P7.00 diÂbidendo.
Bago ito ay may dalaÂwa pang naunang Ruby Anniversary Stakes ang idiÂnaos sa Santa Ana Park at sa MetroTurf.