Jumbo, Boracay masusubukan sa D-League
MANILA, Philippines - Ipaparada ng mga koponang Jumbo Plastic at BoÂracay Rum ang bagong puwersa sa pagbubukas ng PBA D-League Foundation Cup ngayon sa The Arena sa San Juan City.
Kalaro ng Waves ang Cagayan Valley sa ikalaÂwang laro sa alas-12 ng tanghali, habang ang Giants ay masusukat ng Cebuana Lhuilier sa huling laro sa alas-2 ng hapon.
Ang Café France at Derulo Accelero ang magÂbubukas ng tabing sa ikaÂlawa at huling confeÂrence ng liga sa 2013-14 season sa alas-10 ng umaga.
Galing ang Giants sa makasaysayang pagtaÂtapos sa Aspirants’ Cup nang umabot sa quarÂterÂfinals tangan ang ‘twice-to-beat‘ advantage.
Ngunit minalas sila at natalo ng dalawang beses ng Blackwater Sports.
Mas matatag ang line-up ng Giants ngayon dahil nasa koponan na ang beÂteranong guard Jerick Canada bukod pa kina JoÂpher Custodio, Jeff VierÂnes at Lee Denice VillaÂmor at Michael Parala.
Ang Waves ay kinuha ang guard na sina Robin Rono at big man Prince Caperal upang palakasin ang koponan sa nasabing puwesto.
“We got some changes in our lineup that I believe have made us better,†ani Waves coach Lawrence Chongson.
- Latest