MANILA, Philippines - Umiskor si Kang Ku Keon ng South Korea ng isang 6-3, 6-4 panalo para talunin si Rhett Purcell ng Great Britain at kunin ang korona sa boys division ng 25th Mitsubishi International Juniors Tennis ChamÂpionships kahapon sa Rizal Tennis Center.
Ginamit ni Kang, ang No. 3 player sa torneo at suÂmibak kay top pick Harry Bourchier ng Great BriÂtain, 7-5(5), 6-3, sa semifinals, ang kanyang solidong baseline game para gibain si Purcell.
Nauna nang nagkampeon ang 17-anyos na si Kang sa 2013 Mian Chiang Cup sa Kiaoshung, Chinese Taipei.
Sa girls’ play, pinayukod naman ni No. 14 Gloria Liang ng Canada si No. 3 Kimberly Birrell ng Australia, 6-2, 7-5, para sa kanyang unang titulo.
Bago makapasok sa finals ay tinalo muna ng 17-anyos na si Liang si No. 2 Greetje Minnen ng Belgium, 7-6 (6), 6-4, sa semis.
Natalo si Liang sa finals ng nakaraang Under-18 Grade 2 Canadian Championship sa Montreal, CaÂnada.