Unang stakes win puntirya ngayon ng Arriba Amor

MANILA, Philippines - Pagtatangkaan ng Arriba Amor na makamit ang unang stakes win sa ta­on sa pagtakbo sa Manila Horsepower-Philra­com Cup ngayong hapon sa San La­­zaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Ang Sampaguita Stakes race champion no­ong na­­karaang taon na Arriba Amor ay sasakyan muli ni Fer­nando Raquel Jr. para kay horse owner Hermie Esguerra at pakay ng tambalan ang manalo sa ikalawang stakes race na sinalihan.

Nauna nang kumarera ang nasabing kabayo sa PCSO Freedom Cup at hindi tumimbang ang Ar­riba Amor sa tagisang di­nomina ng Hari Ng Yam­bo.

Anim na kabayo ang  magtatagisan sa karerang inilagay bilang race four at ang iba pang local hor­ses na kalahok ay ang Yes Yes Yes ni Pat Dilema at Hot And Spicy ni Mark Al­varez laban sa mga im­por­ted horses na Dy San Diego ni KB Abobo, Kitten’s Champ ni JB Guce at Princess Haya ni RM Ubaldo.

Ang nasabing karera ang siyang tampok na tak­bo para sa paggunita ng ika-pitong taon ng pag­ka­katatag sa Manila Horsepower Inc. at sinahugan ng P300,000.00 kabuuang premyo.

Ang gantimpalang P180,000.00 ang maiuuwi ng ma­nanalong kabayo, ha­bang P67,500.00, P37,­500.00 at P15,000.00 ang mapupunta sa tatlong susunod na ka­bayo.

Ang iba pang karera ma­liban sa race two ay mga MHP races at sinahu­gan ito ng added prize na P10,000.00 na ibibigay sa mananalong kabayo la­­mang, habang ang race two ay isang Philracom Ru­by Anniversary Stakes Race.

 

Show comments