Fareñas umiskor ng 2nd TKO win

MANILA, Philippines - Tinalo ni Michael Fa­reñas si Mexican journeyman Hector Velazquez sa pamamagitan ng isang kon­trobersyal na technical knockout sa second round ng kanilang laban no­ong Biyernes ng gabi sa The Arena sa San Juan.

Sinabi ni veteran refe­ree Bruce McTavish na na­kita niyang tumama ang suntok ni Fareñas (38-4-4, 30 KOs) kasu­nod ang banggaan ng ka­­nilang mga ulo ni Ve­lazquez (56-21-3, 38 KOs).

Inihinto ni McTa­vish ang naturang laban ma­tapos umagos ang du­go sa kanang mata ni Ve­lazquez.

Ikinonsulta ni Mc­Ta­vish ang sugat ni Ve­lazquez sa dalawang jud­ges na nasa ringside na nagsabing ito ay mula sa suntok ni Fareñas kasabay ng pagpapahinto sa laban.

Galit na galit na ni­li­san ni Velazquez, da­ting tinalo ni Manny Pacquiao, ang boxing ring ka­­sabay ng pagdiriwang ng kampo ni Fareñas.

Ang tagumpay ang bu­muhay sa tsansa ni Fa­reñas na makatapat si World Boxing Organization (WBO) junior lightweight champion Mikey Garcia ng Mexico.

Nauna nang lumaban si Fareñas para sa isang world boxing crown no­ong 2012.

Ang title fight nila ni World Bo­xing Association (WBA) junior lightweight titleholder Takashi Uchiyama ay nauwi sa technical draw.

 

Show comments