^

PM Sports

NU kontra sa Perpetual sa opener ng V-League

ATan - Pang-masa

LARO NGAYON

(The Arena, San Juan)

2 p.m. Ateneo vs Adamson

4 p.m. NU vs Perpetual

 

MANILA, Philippines - Ipapamalas ng nagde­depensang kampeong Na­tional University at UAAP titlist Ateneo ang ka­nilang porma sa pagsi­simula ng Shakey’s V-League Season 11 First Con­ference ngayon sa The Arena sa San Juan Ci­ty.

Kalaro ng Lady Bulldogs ang NCAA champion na Perpetual Lady Altas sa alas-4 ng hapon ma­tapos ang tagisan ng Ateneo Lady Eagles at Adamson Lady Falcons sa alas-2.

Ang opening cere­mo­ny ay gagawin sa ala-1 ng hapon at dadaluhan ito ng mga opisyales ng nag­-oorganisang Sports Vi­­sion sa pangunguna ng pangulong si Ricky Palou at chairman Mo­ying Martelino at ang tagapagtagu­yod na Shakey’s sa pamumuno ni EVP at COO Vic Gregorio.

May 12 koponan ang magtatagisan sa confe­rence na ito na siyang pi­nakamalaki sa kasaysa­yan ng liga.

Sa kauna-unahang pag­­kakataon ay may ko­po­nan ding kakatawan sa Luzon, Visayas at Min­danao para samahan ang mga NCR teams.

Ngunit ang mata nga­yon ay nakapukol sa Lady Bulldogs at Lady Eagles matapos ang kinalabasan ng kampanya sa UAAP.

Ang NU ay naghaha­ngad na maidepensa ang titulo para pawiin ang kabiguang inabot sa UAAP nang matalo ang second seed ng dalawang sunod sa Ateneo.

Ang mga matatangkad na sina Dindin at Jaja Santiago ang mangu­nguna sa laban ng koponan ngunit hindi sila puwedeng magkumpiyansa dahil pagsi­sikapang pangatawanan ng Lady Altas ang pagi­ging pinakamahusay na ko­ponan sa NCAA.

vuukle comment

ADAMSON LADY FALCONS

ATENEO

ATENEO LADY EAGLES

FIRST CON

JAJA SANTIAGO

LADY

LADY ALTAS

LADY BULLDOGS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with