^

PM Sports

May 3 recruits ang Jumbo Plastic

Pang-masa

MANILA, Philippines - Pinalakas ng Jumbo Plastic Linoleum ang kanilang backcourt crew sa pagkuha ng karagdagang guards na kinabibilangan nina ASEAN Basketball League (ABL) veteran Jerrick Canada para palakasin ang kanilang title bid sa PBA D-League Foundation Cup na magsisimula sa Lunes sa The Arena sa San Juan.

Bukod sa kanyang bilis at pamatay na outside shooting, inaasa-hang mabibigyan din ni Canada, dating Adamson star, ng stability ang koponan sa pamamagitan ng kanyang expe-rience sa international play matapos tumulong sa Indonesian team sa pagkopo ng ABL title, dalawang taon na ang nakakaraan.

Ang dalawa pang bagong mukha sa Giants ay sina Lee Dennice Villamor at Jeff Viernes ng National University na kung bibigyan ng pagkakataon ni coach Stevenson Tiu  ay makakapag-deliver ang mga ito.

“We have to improve our backcourt rotation that’s why we took three more guards. Being a veteran, we hope Cana-da will play a big role in the team’s campaign this conference,” sabi ni team owner Jimmy dela Cruz na nais higitan ang kanilang quarterfinal finish sa Aspirants’ Cup.

Hindi naman magi-ging problema ang height para sa Giants dahil mayroon silang tatlong players na may taas na  mahigit sa 6-foot-7 sa pangunguna ni  6’8 Jason Ballesteros. Ang nag-improve na si Marlon Magat ay 6’7 habang si Gian Chiu ang pinakamatangkad sa kanyang height na 6’9.

BASKETBALL LEAGUE

D-LEAGUE FOUNDATION CUP

GIAN CHIU

JASON BALLESTEROS

JEFF VIERNES

JERRICK CANADA

JUMBO PLASTIC LINOLEUM

LEE DENNICE VILLAMOR

MARLON MAGAT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with