^

PM Sports

Pacquiao balik ensayo na uli matapos sipunin

RCadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines - Tatlong araw hindi nag-ensayo si Manny Pacquiao matapos magkaroon ng sipon.

Ngunit kahapon sa Wild Card Boxing Gym ay tila hindi ito nahalata sa walang pagbabagong pagsuntok ng Filipino world eight-division champion sa punch mitts na hawak ni chief trainer Freddie Roach.

“Ayos na, nakabalik na tayo after two days hindi tayo nakapag-training,” sabi ni Pacquiao sa pana-yam ng ABS-CBN North America News Bureau. “But nakabalik na tayo ngayon. Maganda ‘yung condition natin. May sipon ng konti but in a few days siguro wala na ito.”

Sinabi naman ni Roach na mas mabuting nakapaghanda kaagad ang 35-anyos na Sarangani Congressman kaya hindi nito ininda ang sipon.

“Obviously he needed it because he’s sick but we’re a little bit ahead of schedule and we’re right back on schedule now,” wika ng 54-anyos na five-time Trainer of the Year awardee.

Idinagdag pa ni Roach na ang sipon ay maaaring nakuha ni Pacquiao mula sa mga bumibisita sa kanyang tahanan.

“He still has a little bit of a chest cold but it’s common with Manny though because he has so many people that go to his house who want to bother him,” ani Roach.

Nakatakdang labanan ni Pacquiao si World Boxing Organization (WBO) welterweight titlist Timothy Bradley, Jr. sa kanilang rematch sa Abril 12 sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.

Ipinangako ni Roach na mararamdaman ng 30-anyos na si Bradley ang bawat suntok ni ‘Pacman’ kumpara sa kanilang unang pagtatagpo kung saan niya tinalo ang ‘Fighting Congressman’ via split decision noong Hun-yo 9, 2012 sa MGM Grand.      

 

vuukle comment

FIGHTING CONGRESSMAN

FREDDIE ROACH

LAS VEGAS

NORTH AMERICA NEWS BUREAU

PACQUIAO

SARANGANI CONGRESSMAN

TIMOTHY BRADLEY

TRAINER OF THE YEAR

WILD CARD BOXING GYM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with