^

PM Sports

May pinatunayan Ang Grey Magic

Pang-masa

MANILA, Philippines - Pinatunayan ng Grey Magic na maganda ang kondisyon nito nang sorpresahin ang 11 iba pang kabayo na nakatunggali noong Martes ng gabi sa bakuran ng Santa Ana Park sa Naic, Cavite.

Si RR De Leon pa rin ang hinete ng kabayo na ibinigay ang lahat ng puwersa sa huling 50 metro para manalo.

Sa 1,100-metro distansya ginanap ang karera at naunang lumayo ang Amazing Party na tumakbo kasama ang coupled entry na Ideal View.

Hawak pa ng naturang kabayo na diniskartehan ni JV Ponce ang dalawang dipang agwat sa Grey Magic sa rekta ngunit naubusan ang Amazing Party at hindi na nakatugon nang gamitan ng latigo.

Dahil sa pagkapagod ay naungusan pa ng isang ulo ang Amazing Party ng Work Of Heart ni Fernando Raquel Jr. para sa pangalawang puwesto.

Ang winning time ay 1:12 para sa puting kabayo na Grey Magic upang masundan ang panalong naitala noong Marso 8 sa nasabi ring pista.

‘Di paborito ang Grey Magic dahil sa kalidad ng mga nakalaban para magpasok ng P152.00 ang win at ang 9-6 forecast ay nagkahalaga ng P987.00 dibidendo.

Ang Danzcotic ang siyang napaboran sa karera ngunit wala sa kondisyon ang kabayo ni Jordan Cordova at hindi tumimbang.

Nakatikim din ng panalo ang Panamao King sa buwan ng Marso sa pagdadala ni Ponce habang ang pinakaliyamadong kabayo na kuminang sa gabi ay ang Monte Napoleone.

Isang special class division race ang sinalihan ng Panamao King  at nakabawi ang nasabing kabayo matapos bumuka sa huling kurbada para manalo sa hamon ng dehadong Homerun Queen ni CJ Reyes.

Pumalo ang oras ng Panamao King sa 1:09 at nagbigay ang win ng P19.50 habang P38.50 ang dibidendo sa 4-1 forecast.

Hindi rin nasayang ang pagtitiwala na ibinigay sa Monte Napoleone na dinomina ang class division 1C.

Unang panalo matapos ang magkasunod na segundo puwestong pagtatapos sa buwang ito ang naitala ng Monte Napoleone para magpasok ng P6.50 sa win.

Sumegundo ang Key Boy upang makapaghatid ang forecast na 4-1 ng P8.00. (AT)

 

vuukle comment

AMAZING PARTY

ANG DANZCOTIC

DE LEON

FERNANDO RAQUEL JR.

GREY MAGIC

HOMERUN QUEEN

IDEAL VIEW

JORDAN CORDOVA

MONTE NAPOLEONE

PANAMAO KING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with