MANILA, Philippines - Magiging maaksyon ngayon ang Shakey’s V-League na sasalihan ng top collegiate teams sa bansa at tatlong palabang provincial squads para pag-agawan ang titulo sa first conference na bubuksan sa Linggo sa The Arena in San Juan.
“This is going to be an interesting season. With so many teams wanting to join the league, we could only accommodate much to ensure a level playing field and equal exposure,†sabi ni Sports Vision president Ricky Palou.
Ang NU, pangungunahan ng Santiago sisters na sina Dindin and Jaja kasama si Myla Pablo, ay sasamahan sa kanilang grupo ng former champion University of Santo Tomas at kapwa UAAP school Far Eastern U at ng mga NCAA teams na San Sebastian College at Perpetual Help bukod pa sa Lady Agilas ng Davao.
Pangungunahan naman ng Ateneo na kagagaling lamang sa tagumpay mula sa UAAP ang Group A na kabibilangan din ng Adamson, Arellano, St. Benilde at provincial teams Southwestern University ng Cebu at St. Louis University ng Baguio.
Bagama’t nagpalakas ang lahat ng koponan, ang Lady Bulldogs at Lady Eagles ang mga hot favorites sa kani-kanilang grupo sa ligang sponsored ng Shakey’s.
Ang Ateneo ay pangungunahan nina MVP Alyssa Valdez, Denden Lazaro at Rissa Sato, habang sina Shiela Pineda, Pau Soriano at Mayette Zapanta ang mamumuno sa kampanya ng Adamson, nanalo noong Season 5.
Palaban din ang San Sebastian na sasandal kay power-hitting Gretchel Soltones kasama sina Czarina Berbano at Ara Mallare, habang ang Perpetual Help ay aasa naman kina Royse Tubino, Collen Bravo at Jane Diaz.
Hangad din ng St. Benilde na magbigay ng magandang laban sa tulong nina Janine Navarro and Therese Veronas gayundin ng Arellano U sa tulong nina MJ Ticar, Mechie Tubiera at CJ Rosario.
Noong ika-10th season ng liga, ginanap ang kauna-unahang All-Star game tampok ang mga former at current stars ng liga kung saan nanalo ang Smart sa Shakey’s All Stars.
Ipapalabas ang mga laro sa GMA News TV sa delayed basis.