2 Gilas fans ipadadala ng Milo sa Spain
MANILA, Philippines - Dalawang indibidwal na tumatangkilik sa Milo ang ipadadala sa Seville, Spain upang mapanood ang laro ng Gilas Pilipinas sa FIBA World Cup ang tampok na aktibidades sa paggunita ng ika-50th taon sa bansa ng energy drink.
Ang promo na nagsimula noong Marso 1 at tatagal hanggang Hunyo 29 ay ginawa para suportahan ang gagawing kampanya ng Gilas Pilipinas sa World Cup.
“Milo will be sponsoring two Filipino fans of Gilas for a trip to the FIBA World Cup in Seville, Spain and they will watch the Group B preliminary games of the team. This promo is to support Samahang Basketbol ng Pilipinas and the Gilas team where several members are graduates of the Milo BEST Center,†wika ni Robbie De Vera, ang Milo Sports Marketing Executive nang dumalo sa PSA Forum sa Shakey’s Malate.
Idinagdag pa ni De Vera na paiigtingin din ang ibang grassroots programs ng Milo dahil hangarin ng kumpanya na maipagpatuloy ang adhikain na makatuklas pa ng mga mahuhusay na batang manla-laro na maaaring pakinabangan ng bansa.
“As we celebrate our 50th year, we will continue to build a nation of champions by holding sports activities like the Milo Summer Clinics, National Milo Marathon and the Milo Little Olympics,†dagdag ni De Vera.
Dumalo rin sa Forum si National Milo events coordinator John Montalvan at binanggit niya na ang Milo Summer Clinics ay magsisimula sa Marso 31 hanggang Mayo 31 at may 13 sports ang nakapaloob dito.
Ang mga ito ay basketball, badminton, bowling, gymnastics, volleyball, karatedo, ice skating, tennis, taekwondo, table tennis, chess, football at swimming.
“Milo is committed to grassroots development that starts with the Milo Sports Clinic. Here, they will learn values not just to make them better athletes but also to make them champions in life,†dagdag ni Montalvan.
Palalakihin din ang Milo Marathon na iseselebra ang ika-38th taon ngayon at ang mananalo ay ipadadala uli sa prestihiyosong international marathon.
Ang mga kampeon noong nakaraang taon na sina Eduardo Buenavista at Mary Joy Tabal ay ipadadala sa Paris Marathon na lalarga sa Abril 6.
Nakakalendaryo naman ang Milo Little Olympics mula Hunyo at ang finals ay gagawin sa National Capital Region na kung saan ang NCR ay nagbabalak na kunin ang ikatlong sunod na titulo upang maiuwi ang perpetual trophy. (AT)
- Latest