LA Clippers humahabol nasa NBA power ranking

Nanatili ang San Antonio Spurs sa pangunguna ngunit humahabol ang Los Angeles Clippers na nasa ikalawang puwesto na matapos ang 11-sunod na panalo.

1. San Antonio Spurs (50-16; ranking nila last week: 1): Bukod sa pagkapanalo ng 10-sunod na laro, nanalo ang Spurs ng limang sunod sa kanilang road games. Bibisitahin ng Spurs ang Lakers nitong Miyerkules.

2. Los Angeles Clippers (48-20; ranking nila last week: 3): Nanalo ang Clippers ng 11 sunod na laro at ngayon ay naghahabol na sila sa top-two playoff seed sa Western Conference.

3. Indiana Pacers (49-17; ranking nila last week: 5): Nanalo ang Indiana ng tatlong sunod matapos ang sunud-sunod na kabiguan. Si Andrew Bynum ay nag-a-average ng 11.5 points at 9.5 rebounds sa unang dalawang laro.

4. Oklahoma City Thunder (48-18; last week’s ranking: 4): Si Kevin Durant ay kulang na lang ng 14 games para pantayan ang 40-sunod na laro ni Michael Jordan kung saan umiskor siya ng hindi bababa ng 25 points na naitala niya noong 1986-87 season.

5. Houston Rockets (44-22; ranking nila last week: 2): Ang Rockets ay nasa gitna ng three-game losing streak na nagpahina ng kanilang laban para sa top-two spots ng Western Conference.

6. Golden State Warriors (42-26; ranking nila last week: 7): Ang  Warriors ay nanalo ng franchise record  na 15 road games sa kanilang huling 21 na laban. La-laro ang Golden State sa kanilang home court ng limang sunod na games.

7. Miami Heat (45-19; ranking nila last week: 6): Ginamit ng Miami na starter si Greg Oden bilang center sa kanilang panalo kontra sa Houston noong Linggo. Ito ang kanyang ika-100 career game matapos makuha sa draft bilang no. 1  noong 2007.

8. Portland Trail Blazers (43-24; ranking nila last week: 8): Kailangan talaga ng Blazers na makabalik agad si LaMarcus Aldridge. Hindi siya nakalaro ng dalawang games dahil sa low back contusion.

9. Dallas Mavericks (40-27; ranking nila last week: 9): Ang Dallas ay 7-1 sa mga larong umiskor si Dirk Nowitzki ng hindi bababa sa 30 points.

10. Memphis Grizzlies (39-27; ranking nila last week: 10): Matapos harapin ang Utah nitong Miyerkules, sunod na kalaban ng Memphis ang mga elite teams ng East  na Miami sa Biyernes at Indiana sa Sabado.

 

Show comments